Wednesday, November 22, 2006

I have transfered

here, at

sarcaps.livejournal.com

keep in touch

Thursday, October 26, 2006

Yet another development

Gah!

Friday, October 20, 2006

UP Pushes for the Use of Filipino as the Teaching Medium

Implement UP's language policy-DFPP faculty

(August 30)—Faculty members of the Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) of the College of Arts and Letters today launched a campaign advocating for the full implementation of the University’s language policy.

The UP Board of Regents approved the use of Filipino as the medium of instruction in the University on May 29, 1989.

However, the language policy is currently threatened by HB 4701, filed by Rep. Alipio Badelles, calling for the use of English as the medium of instruction in the country’s educational system, notes the DFPP position paper.

According to the DFPP, this measure violates Article XIV of the 1987 Constitution which states: “Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

According to Filipino professor Jovy Peregrino, DFPP will convene a congress in September to address the issue.



MANINDIGAN PARA SA FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO

Mahalaga ang naging papel ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa pagpapatibay ng Konstitusyon sa wikang Filipino bilang wikang pambansa at wikang panturo.

Bilang pagsasabuhay sa isinasaad ng Konstitusyon, pinagtibay ng Lupon ng mga Rehente ang UP PATAKARANG PANGWIKA simula noong Mayo 29, 1989.

Sa pamamagitan ng patakaran sa wika ng UP :

1. Pinayabong ang akademikong disiplina ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas mula antas di-gradwado hanggang gradwado;
2. Pinasigla ang intelektuwalisasyon sa Filipino sa pamamagitan ng mga saliksik at publikasyon;
3. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) na nagtataguyod ng pananaliksik sa wika, pagsasalin at paglalathala ng orihinal na materyales sa iba’t ibang disiplina na nakasulat sa wikang Filipino;
4. Nagdaos ng mga seminar, kumperensiya at fora na nagtatasa sa antas ng paggamit ng wikang Filipino; at
5. Nanguna ang Unibersidad sa mga kilusan sa wika gaya ng Pambansang Samahan sa Wika (PSW), Kaguro sa Filipino, LEDCO, at SANGFIL.

Nawawalan ng halaga ang mga inisyatiba at tagumpay ng UP sa paggamit ng Filipino dahil sa salungat na patakaran ng Administrasyong Arroyo. Napipigil ang pagsulong ng wikang Filipino bilang panturo dahil sa Executive Order 210, pahayag ni Kalihim Jeslie Lapus ng Dep. Ed., HB 4701, at mga panukala ng ibang ahensiyang panggobyerno.

Tahasang lumalabag ang mga ito sa itinatakda ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 :”Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Hinihingi ng pangyayaring ito na muli tayong manindigan at manguna sa pagtataguyod ng Filipino bilang wikang panturo sa pamamagitan ng :

1. Aktibong paglahok sa pagpapairal ng Patakarang Pangwika ng Sistemang UP;
2. Agarang pagpupulong ng Konseho ng Wikang Filipino na binubuo ng mga direktor ng SWF at mga tagapangulo ng mga departamento ng Filipino sa Sistemang UP upang bumuo ng programa ng pagkilos;
3. Paninindigan ng University Council ng iba’t ibang kampus sa Sistemang UP hinggil sa usapin ng wikang Panturo; at
4. Pagtipon ng lakas sa loob at labas ng UP upang ganyakin ang mga humahawak ng kapangyarihan na magtataguyod sa wikang Filipino.


MANINDIGAN PARA SA FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO

MGA ADMINISTRADOR, KAGURUAN, ESTUDYANTE, AT KAWANI NG UP

Friday, October 13, 2006

Because it's Friday the 13th, you're hired!

Finally, I won't be idle after this semester ends! And I got the reason not to be idle on a Friday the 13th. How lucky. Starting this coming Monday, I will be going to Teleperformance Philippines to become a Technical Support Representative at the Verizon account, which is a DSL company. Training starts on Tuesday and I am very much excited about it because we will be training on a day shift, which is from 6 a.m. up to 2 p.m. I hope that after the training that schedule will not change!

P.S. Thanks to Jobstreet for the referral!

--> If any of you want a contact center experience, try applying at Jobstreet. They accelerate your application!

Saturday, September 23, 2006

EDSA Buses + MMDA = sak

Sumakay ako ng bus sa EDSA mula Philcoa hanggang Robinson's Galleria at ang pinakanakaabanas na karanasan ay ang manatili sa Cubao (sa tapat ng Araneta Colliseum) nang tatlumpung minuto. Hindi ko na sinisi ang mga bus dahil sa MMDA na ang may dahilan ng ganoong pananatili ng isang bus sa isang pwesto upang makakuha lamang ng pasahero. Biruin mo nga naman, nasaksihan ko ang pag-abot ng isang konduktor ng bus sa isang MMDA Traffic Enforcer ng salapi upang makapagbabad iyong bus niya sa Cubao nang pagkatagal-tagal.

Saan pa nga ba makikita ang ganyang eksena? Wala nang iba kundi sa Pilipinas lamang!

***

Knights Templar Guild of Fenrir scores again! Earlier this day was the Solar God Helm Get-Together at Robinson's Galleria in Ortigas. The Solar God Helm was sold by the guild at the price of PhP 3500 and it all went to Yellow Cab Pizza!

Another SGH pzl pzl!

Sunday, August 27, 2006

Gamu-Gamo

Tulad mo isang gamu-gamo
malayang lumilipad
pilit na lalapit sa apoy
ikaw ay liliyab

‘di ka mapipigilan
‘di ka mapipigilan
‘di ka mapipigilan

Libo-libong
mga tao katulad ko
walang nagagawa
nabighani
sa ganda ng liwanag mo
sa ere sumasayaw

‘di kita mahawakan
‘di kita mahawakan
‘di kita mahawakan

At kung pagbibigyan
hindi masasaktan
hindi ikukulong
hindi magtatanong
walang isusumbat
hindi magkakalat
basta’t tuloy-tuloy
init ng iyong poy

‘di kita titigilan
‘di kita titigilan
‘di kita titigilan

At kung pagbibigyan
hindi masasaktan
hindi ikukulong
hindi magtatanong
walang isusumbat
hindi magkakalat
basta’t tuloy-tuloy
init ng iyong apoy

by Pupil

Sunday, August 20, 2006

Hell Week!

I'm still on hibernation mode.. Term paper in Geog 155, book review in PI100 and a thesis proposal deadline on Friday, 25 August. But wait, there's more! I also have an LIS 131 exam on Saturday, 26 August!

zomgwtfhollehcrappola!!11!!